Dalawang Tula

Gerald Castillo Galindez

Kawatan

Testingan mo mag-pasok sa gate
Magpasok ka sa buhay (bahay) namin? Baka masunog ka.
mahiwa yang kili-kili mo katatlo. kainin ka ng mga tanim ko.
sip-sipin nila yang dugo mo na parang bampira
tusukin nila yang mga mata mo na parang dila ng manananggal
bawasan ni Abu yang hita mo mga tatlong kilo.
kitkitin ni Blitz yang bayag mo.
kamrasin ka ng mga pusa 1 thousand times sa mga laman sa
pagitan ng daliri.
mamantsahan yung balisong ni kuya Rey
testingan mo.
Pasimple ka lang. Akala mo tulog ako?
Sa araw ako nagatulog. aswang na ako.
Testingan mo daw? Gusto ko rin ng konting violence ba.
hindi ko pa na-try. Ikaw mag decide.
tingnan natin.
matagal din nag-pingpong itong kamay ko
(miss ko na din mag pingpong)
pingpongin ko yang ulo mo!

***

At nagsilabasan ang mga tao—
Gihanap nila ang nawalang lingaw
Hindi mapigilan ang naga kulo na tubig naga singaw
Maglabas at maglabas talaga ang nana sa sugat
                              kay sa bahay parang impyerno.
Maghanap ng malawak na lugar na parang langit
Kung saan pwede nila isigaw ishagit ng tahimik—
Lahat ng problema at galit

At nahanap nila ang kalawakan ng bukid
nakatago sa puso ng mga tao sa taas
At gi araro nila ang daanan, gi tabas
           ang mga harang
           para makakuha ng magagandang larawan

At nagkalat at nagkalat at nagkalat at nagkalat
ang imbitasyon ng bagong paraiso.
gi atake ng mga bakal na kabayo
At gi araro nang gi araro nang gi araro at gi araro ang daanan
para makuha ang kagagandang larawan
gisimhot nila ang preskong hangin na wala sa babá,
gitikman nila ang konting hayahay ng buhay
                         Hayahay na matagal nawala sa bahay

At naging masaya ang may ari ng lugar sa papel
           At lahat ng madaanan nito,
              Pero naga iyak ang mga anak,
              ang mga may ari ng lupa sa dugo

Habang masaya ang lahat sa magandang tanawin,
Sa may landong banda
Wala nila napansin,
May matandang nakatayo—naka itim
ginatingnan sila—

naga-ngisi

naga-ngisi

naga-ngisi

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s